Monday, September 24, 2012

Insomya



Ano ang Insomia?

Ang insomia ay sakit na pumipigil sa pagdapo ng antok sa isang tao.  
Mga sintomas
- hindi makatulog
- pagod na mga mata dahil sa pagpikit
- gising parin kahit nasubukan na ang lahat ng sleeping positions (higa,dapa,balandra,yuko,upo at marami pang iba)
- pag nakatapos kang magplano ng mga gagawin para bukas o sa hinaharap.
- pagubos na ang pera kaka-kaen
- natapos mu ang plants v.s. Zombies in one night.
- napakingan mu na lahat ng mp3 songs mu sa cp.
- nagcompose ka ng blog tungkol sa insomia
- at marami pang iba.

Mga bagay na pwedeng gawin pag dinapuan ka ng Insomia.
- lahat ng maisip moh pwede. Tulog na si nanay at tatay wala na magagalit.

Tips para mabilis makatulog.
- uminom ng gatas
- maglaro ng dota(dapat panalo)
- pakingan ang Canon rock in D
- basahin ang mga blog ko (dalawa palang yun sa ngaun)
Do it 3x per night at pag d paren makatulog mag patingin na sa espesyalista.

Kung nakakaranas ka ng gantong karamdaman. Okay lang yn di ka nag iisa.

Wednesday, September 19, 2012

First!



09/20 2:07 am na at hindi ako makatulog.. Kaylangan ko ng matulog dahil gusto ko maaga ako bukas. (2 beses na kase akong late pumasok sa office "magkasunod") wala akong magawa. I decided to open up my twitter ( to read some news). Pero may nabasa akong medyo pumukaw sa aking mga mata. Nakita ako yung blog ng isa sa mga ka Officemate ko. Syempre binasa ko. At habang binabasa ko yung article lalo akong di inaabot ng antok. Haaaayy! Pero pagkatapos ko dun sa blog nya, naalala ko gusto ko nga rin palang sumulat. Kaya eto sumulat ako ng kung ano ano. Itong unang sulatin ko ay gusto kong ialay sa taong nag bigay insperasyon sa akin na sumulat.
 Pikyuti, Siguro kung hindi ka aalis marami kaming matutunan sayo, siguro marami kang ituturo sakin. Wala nang pupuna twing mag gogoogle map ako at hindi nag tatrabaho( haha buti naman),. Walang mangbubully sa team lead ko (mamimiss ka nya), madalas na kong makakapunta kela kenneth at jomar kase walang bantay, hindi na ko makakabalik ng liliw, hindi na ko makakakaen ng lansones na bagong pitas. Wala ng maxwell na kanta.lastly hindi na ko makakapakinig ng mga kwento mo  At marami pang wala na. Ayaw ko mang sabihing nalulungkot at nanghihinayang ako sa pagalis mo pero wala akong magagawa yun ang totoo. Kaya ngayon aasa nalang ako na magkita tayo ulit at makapagkwentuhan kahit konte. Oh panu take care and have a great day ahead! Sana di mo ko makalimutan at basahin mo din ang mga isusulat ko sa mga susunod na panahon. Marami pong salamat sa lahat! Ciao.

09/20 2:49am na at nakatapos din. Hindi ito ung una kong sinulat pero ito yung una kong natapos. Masarap pala yung pakiramdam na may natapos ka.

-jek-