09/20 2:07 am na at hindi ako makatulog.. Kaylangan ko ng
matulog dahil gusto ko maaga ako bukas. (2 beses na kase akong late pumasok sa
office "magkasunod") wala akong magawa. I decided to open up my
twitter ( to read some news). Pero may nabasa akong medyo pumukaw sa aking mga
mata. Nakita ako yung blog ng isa sa mga ka Officemate ko. Syempre binasa ko. At
habang binabasa ko yung article lalo akong di inaabot ng antok. Haaaayy! Pero
pagkatapos ko dun sa blog nya, naalala ko gusto ko nga rin palang sumulat. Kaya
eto sumulat ako ng kung ano ano. Itong unang sulatin ko ay gusto kong ialay sa
taong nag bigay insperasyon sa akin na sumulat.
Pikyuti, Siguro kung
hindi ka aalis marami kaming matutunan sayo, siguro marami kang ituturo sakin.
Wala nang pupuna twing mag gogoogle map ako at hindi nag tatrabaho( haha buti
naman),. Walang mangbubully sa team lead ko (mamimiss ka nya), madalas na kong
makakapunta kela kenneth at jomar kase walang bantay, hindi na ko makakabalik
ng liliw, hindi na ko makakakaen ng lansones na bagong pitas. Wala ng maxwell
na kanta.lastly hindi na ko makakapakinig ng mga kwento mo At marami pang wala na. Ayaw ko mang sabihing
nalulungkot at nanghihinayang ako sa pagalis mo pero wala akong magagawa yun
ang totoo. Kaya ngayon aasa nalang ako na magkita tayo ulit at makapagkwentuhan
kahit konte. Oh panu take care and have a great day ahead! Sana di mo ko
makalimutan at basahin mo din ang mga isusulat ko sa mga susunod na panahon.
Marami pong salamat sa lahat! Ciao.
09/20 2:49am na at nakatapos din. Hindi ito ung una kong
sinulat pero ito yung una kong natapos. Masarap pala yung pakiramdam na may
natapos ka.
-jek-
Wow. Just read this and I'm happy you started your own blog. Keep writing.
ReplyDeleteMay nagagawa pala mga panggugulo ko sa inyo :) Thanks! SO grateful for all of you guys.
-- Tibo